Diego Loyzaga inakusahan ng paninipa ng sasakyan ng Grab driver

DIEGO LOYZAGA

INAKUSAHAN ang aktor na si Diego Loyzaga, anak ng aktor na si Cesar Montano, ng paninipa ng sasakyan ng isang driver ng Grab.

Sa isang ulat ng DZMM, inireklamo si Diego ng driver matapos masira ang sasakyan nito.

Batay sa reklamo ng driver ng Grab, nadaanan niya ang convoy ni Diego sa Taft Ave. kaninang alas-tres ng madaling araw.

Idinagdag ng driver na pinagsisipa umano ni Diego at kinatok pa ng aktor ang salamin ng sasakyan.
Tinangka pa umanong awatin si Diego ng kanyang mga kasama.

Sinabi ng driver na dahil sa pangyayari, nasira ang harapang bumper ng kanyang sasakyan.

Ipinagtanggol naman ni Teresa Loysaga ang anak, sa pagsasabing hindi totoo ang alegasyon ng driver ng Grab na tinadyakan ni Diego ang kanyang sasakyan.

Giit ni Teresa, sinubakan pa nga raw kausapin ni Diego ang driver.

Sinampahan naman si Diego ng reklamo ng driver ng Grab.

Read more...