KAILANGANG magsalita ang mga pari laban sa pang-aapi, sa mali. Di ikinahihiya ito. Kung naliliwanagan ang kawan sa pagbubunyag, kailangang magningning pa ang liwanag. Ito ang Pagninilay sa Ebanghelyo (1 H 17:7-16; Salmo 4; Mt 5:13-16) sa Martes sa ikasampung linggo ng taon.
Legitimate defense can be not only a right but grave duty for one who is responsible for the lives of others. The defense of the common good requires that an unjust aggressor be rendered unable to cause harm. Catechism of the Catholic Church (CCC) 2265, Article 5, The Fifth Commandment, Thou Shall Not Kill.
Si Fr. Cirilo Nacorda ay nagmimisa sa Basilan at Sulu na may M16 rifle sa ilalim ng altar. Habang nagmomotor, nakabitin ang M16 sa kanyang leeg. Si Fr. Bong, Bulakenyo (nagmisyon sa mga tribu sa PNG) ay sinanay kong bumaril sa hostage-taker target board habang ito’y gumagalaw o slow-running man; at small deep-center target, 40 meters.
Si Fr. Antiporda, ng Parokya ng Quiapo, ay nakalaban sana at di napatay, ng kanyang sakristan nang pagnakawan ng P300,000-P500,000 koleksyon sa kapistahan ng Nazareno (iniwan ang saku-sakong barya) noong 1976 kung nagdala lang siya ng “gamit” sa kanyang pagtulog sa silid. Sa nakalipas na anim na buwan, natupad ang utos na “patayin ang pari.” Baka matuwa na si Digong, na masidhi ang galit sa mga obispo’t pari.
Dalawang pari na may death threat ang “pinatapang” ko nang ipaliwanag ang “danger assessment” na itinuro ni SILG Angie Reyes noon sa mga journo. Ang isa sa kanila ay nagsusuot na ng opposite low-carry holster sa binti habang nakasutana. Hindi sila ipagtatanggol ng gobyerno habang nasa banal na misyon.
Kung nais ni Digong na maubos ang mga pari, walang makapipigil sa kanya. Maraming misyonerong banyaga ang nasa bansa, tulad ng Argentinian na si Fr. Luciano Fellioni, estudyante ni Bishop Jorge Bergoglio (Pope Francis). Ang iba pang mga misyonero ay mula sa St. Francis Xavier, Redemptorists, Franciscans, Jesuits,SVD, atbp.
Nainsulto ang mahihirap nang sabihin ni Sen. Lacson na hindi na maliligo ang mga aba para mabuhay sa P10,000 buwan-buwan. Nakaiinsulto rin ang sinabi ng isang editor (wala sa Bandera, PDI, CDN at dotnet) nang sabihin niya na biskuwit na lang daw ang kainin araw-araw. Lacson, bumaba ka sa Penthouse. Editor, bumaba ka sa condo. Wala na ang inyong mga paa sa lupa.
Sa aking kolum (Kanin-baw, kanin-ball), ang kinausap ko ay pamilya kariton sa North Caloocan (walang 4Ps dahil NPA). Hindi sila nagbabayad ng upa sa bahay, kuryente, tubig at walang appliances, maliban sa flashlight, ang tanging yaman. Si Jess Matubis ay may pinakaing pamilya kariton, kaya alam niyang mabubuhay sila sa P10,000.
Ang pamilya kariton sa North Caloocan ay nagsisimba sa Epifania. Naghuhulog sa buslo ng P1-P2. Mas malapit sila sa Diyos kesa mayamang naghuhulog ng P50. Ayon sa Ebanghelyo, ang inihulog ng pamilya kariton ay pambili ng pagkain (P1 kamatis o P2 kamatis at toyo) samantalang ang mayaman ay di man lang nabawasan ang kanyang pera sa inihulog na P50.
Walang karapatan sina Lacson at Sen. Bam Aquino na magsalita para sa mahihirap. “Only a peasant can represent peasants,” anang matalino. Hindi tumutulong sina Lacson at mga trapo sa pamilya kariton, pamilya bangketa, pamilya Baywalk, pamilya tulay, pamilya estero, atbp.
Kung biglang sumikip ang paghinga ng mahihirap, nasagasaan, nabuntis, may bukol na nakapa sa kalamnan, lumabo ang mga mata o di na makakita, tutulungan ba sila nina Lacson, trapo o gobyerno?
PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Ebanghelyo, Muzon, SJDM City, Bulacan): Bawat isa ay dala ang kanilang cellphone para ipagyabang mga retrato noong bakasyon kasama ang pamilya: sa beach, sa gubat ng Sierra Madre (DRT, Bul), sa dalampasigan ng Aurora (malapit sa DRT) at sa firing range sa Tibagan. Ang Pilipinas na lang ang may family bonding.
PANALANGIN: Maraming sinasabi tungkol sa kanya, may nakaiinis, may nakasisiya. Ngunit pipilitin pa rin niya ang umunawa at IBIBIGAY PA RIN ANG BUHAY NIYA para sa lahat dahil pari siya. Fr. Mar Ladra, healing priest.
MULA sa bayan (0916-5401958): Tabangi presidente. Hindi na humihinto ang pagtaas ng presyo ng gasolina. Kawawa kaming nakamotor. …5403, Kahayag, Bislig City