Action Star na: Alden dinungisan, pinahirapan agad sa unang taping ng Victor Magtanggol

DINUMIHAN at dinungisan si Alden Richards sa upcoming series niyang Victor Magtanggol.

Kumawala muna ang Pambansang Bae sa magagarang kasuotan at glossy locations dahil sa behind the scenes pictures na ipinadala ng GMA Network sa isang taping ng aktor, kinunan ang eksena niya sa loob ng palengke, huh!

Relax na relax naman si Alden sa ibabaw ng mesa habang waiting ng take suot ang simpleng T-shirt at maong shorts. Keber niya kung mainit sa loob ng palengke at umaalingasaw ang amoy ng karne ng baboy sa paligid.

Eh, bakbakan ang mga eksena kaya sa pictures, nariyang lumambitin sa bakal si Alden habang nakikipaglaban sa mga kaaway. Yes, umaaksyon na ngayon ang Pambansang Bae na tinagurian din ng kanyang mga fans na Drama Prince!

Welcome sight sa fans at nagmamahal kay Alden ang rugged and dirty look niya sa VM.

Maninibago sila siyempre matapos siyang mapanood doing roles na madalas ay papogi ang hitsura niya.

Ganyan kamahal ni Alden ang kanyang trabaho, lalo na ang bagong role niya ngayon kaya isinasapuso niya ang character niya mula ulo hanggang paa!

Read more...