China-Asia expo, fair dinadaluhan ng 80 bansa

KUNMING City — DINADALUHAN ngayon ng mga economic at business leaders mula sa iba’t ibang bansa sa Asya ang halos isang-linggong exposition, fair at forum dito.

Mahigit 80 bansa ang lumahok sa ika-5 China-South Asia Exposition at ika-25 China Kunming Import and Export Fair na kasalukuyang ginaganap sa Dianchi International Convention and Exhibition Center dito na inorganisa ng Chinese Ministry and Commerce at ng People’s Government of Yunnan Province.

Labing siyam na pavilion ang binuksan -mula sa pang turismo, agrikultura, bagong teknolohiya- para ipakita ang samu’t saring produkto galing sa mga bansa sa South Asia at maging sa SouthEast Asia gaya ng Pilipinas.

Ang nasabi ng exposition at fair ay magsisilbing daan o platform ng mga bansa para higit na makaakit ng foreign investment na magpapatibay ng kani-kanilang ekonomiya.

Ilang economic leaders na dumalo sa pagbubukas ng exposition at fair ay naniniwala na higit na mapatatatag ang kooperasyon at pagkakaisa ng mga bansa sa Asya.

“The most important goal of China-South Asia exposition is to strengthen cooperation between South Asian countries with East Asia, in the fields of economy, commerce, science and technology in which the People’s Republic of China plays a pivotal role,” ayon kay Mohammad Mohaqiq, deputy chief executive of the Islamic Republic of Afghanistan, na isa sa mga economic leaders na nagbigay ng talumpati sa pagbubukas ng gawain na dinaluhan ng ilang libo katao.

Read more...