Tinatamad mag-aral

Sulat mula kay Nerissa, ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Dear Sir Greenfield,
Second year na ako sa kursong Marketing at bumababa ang mga grades ko.  Nalungkot ako at parang tinatamad na akong mag-aral kasi hindi ko akalaing bababa ang mga grades dahil sa pahirap na pahirap na mga eksamen. Kaya naman parang iniisip kong mag-shift na ng kurso o huminto na lang sa pag-aaral at magtrabaho na lang ako. Tama ba ang desisyon kong ito? Kung magshi-shift ako, anong kurso ang mairerekomenda ninyo na bagay sa akin na siguradong matatapos ko? Kung maghahanap naman ako ng trabaho, mapapasok naman kaya ako agad kahit na undergrad ako? Nais ko rin pong malaman kung makapaga-abroad ba ako, kasi po ito ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin. Gusto nilang mag-abroad ako para maiahon ko sila sa kahirapan. May 1, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Nerissa, ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda at straight na straight naman ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Illustration 1-1 arrow 1., 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin,  anomang krisis o mga pagsubok ang dumating sa iyong buhay sa laranganng career at edukasyon, siguradong malulusutan mong lahat iyan, basta magkapatatag kalang, siguardo ang magaganap – sa bandang huli, maluwalhating makakatapos ka rin ng pag-aaral!
Cartomancy:
Six of Hearts, Queen of Clubs at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng lalaking magiging boyfriend mo, magkakaroon ka ng inspirasyong mag-aral na mabuti. Magiging positibo naman ang resulta, dahil bukod sa love life na masaya, tulad ng nasabi na makakatapos ka ng pag-aaral at pagkatapos habambuhay na uunlad ang career mo at magiging maligaya.
Itutuloy….

Read more...