Bossing-Coco movie sa 2018 MMFF wala nang atrasan

MAS malaking hamon ang haharapin ni Cardo (Coco Martin) dahil ang laban para sa puso at pag-ibig na ng asawa niyang si Alyana (Yassi Pressman) ang pilit niyang ipapanalo sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Muli na ngang nakita ni Cardo si Alyana, ngunit hindi ito ang inaasahan niyang tagpo dahil natunghayan niya mismo ang pag-oo nito sa alok ni Marco (JC Santos) na kasal.

Pero hindi basta-basta susuko si Cardo dahil ipaglalaban niya si Alyana mula kay Marco at muling susubukang sungkitin ang puso ng asawa. Gumawa na si Cardo ng unang hakbang nang dalhin niya ang asawa sa isang malayong komunidad upang subukang mamuhay nang magkasama gaya ng kung paano sila namuhay bago pa ang lahat ng kaguluhan.

Sa kabila naman nito, hindi ito magiging sapat na rason para lumambot ang puso ni Alyana at pilit na lalayo upang ituloy ang buhay niya nang wala si Cardo. May pag-asa pa nga ba ang pagmamahalan nina Cardo at Alyana?

Samantala, isang karangalan ang natanggap ng bida ng serye na si Coco matapos itong gawaran ng Fernando Poe Jr. Memorial Award sa 66th FAMAS Gabi ng Parangal para sa kanyang mahusay na pagganap mapapelikula man o telebisyon.

“Noong bata po ako, kasa-kasama lang po ako ng lola ko na nanonood ng TV dahil sobra niya pong iniidolo si FPJ at si Nora Aunor. Hindi ko po inaakala na paglaki ko po pala, papalarin po pala ako na pumasok sa ganitong klaseng trabaho,” kwento ni Coco sa kanyang acceptance speech.

“Sa ABS-CBN, maraming-maraming salamat po dahil kayo po ang nagbukas sa akin ng pinto para makagawa ako ng soap opera. Siyempre po sa Star Cinema, thank you so much po dahil pinaunlakan niyo po ako na gumawa ng pelikula,” dagdag pa ni Coco.

Bukod kay Coco, binigyan din ng parangal ang isa pang FPJAP star na si Awra Briguela na nakuha naman ang German Moreno Youth Achievement Award.

Tutukan ang maaaksyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa, ang FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Samantala, kinumpirma na ng Teleserye King na tuloy na tuloy na ang pagsasama nila ni Vic Sotto sa pelikula na ilalaban sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Nakapag-usap na raw sila ni Bossing at excited na siya sa gagawin nilang entry,
“Matagal ko nang pangarap na magkatrabaho kami ni Bossing at napakaswerte ko dahil pinagbigyan niya ako. Isang malaking karangalan na makatrabaho ko si Bossing!”

Read more...