KUNG masusing bubusisiin ang merito ng kasong balak isampa o naisampa na ni Ynez Veneracion laban sa isang babaeng negosyante, lumalabas ay hindi lang ito babagsak sa cyber libel.
Ang presence ni Ynez kasama ang ilan pang complainants ni Kathy Dupaya last Saturday ay ikalawa na mula sa kanilang kampo.
Ayon kay Ynez ay hawak niya ang printouts ng ilang pahinang halaw sa mga FB posts ni Dupaya na aniya’y magpapatunay na libelous ang mga ‘yon sa kanyang pagkatao (ayaw naming pangunahan ang assessment ng abogado niya, but are the words hayop and laos pejorative?).
Pati rin daw ang kanyang anak ay diumano’y idinamay ni Dupaya.
If true, Ynez might also consider violation against the right to protect children. Ang anak ba ni Ynez na tinutukoy niya ay ‘yung naging bunga ng pakikipagrelasyon niya sa isang kapatid na Muslim na nasa pulitika (open secret ang kuwentong ‘yon sa showbiz)?
Medyo ikinaaaliw lang namin ang inilahad na kuwento ni Ynez.
Matatandaan kasi na sa unang pagharap sa media ng mga umano’y naloko ni Dupaya ng halagang aabot sa milyun-milyong piso, ang kay Ynez ang siyang pinakamaliit. Ang pinakamalaki ay kay Joel Cruz, pumapangalawa ang kay Sunshine Cruz.
Malayo ang agwat ng halagang umano’y pagkakautang ni Dupaya kay Ynez bilang original principal: P200,000.
Pero kuwento ng aktres, nabayaran daw siya nito nitong ibunyag ng kampo ni Ynez ang tungkol sa umano’y scam nito. Bale ang balance na lang ni Dupaya ay P60,000 na lang.
Maliwanag na ang hinahabol ni Ynez ay 60k na lang. Nag-iwan pa ng balanse si Dupaya na keliit-liit na lang?
Alam nating lahat na hindi lang malaking abala ang hatid ng anumang demanda when filed in court. Malaking factor din ang perang panggastos sa abogado at kung anupamang attendant expenses.
Mukhang sa sisenta mil na hinahabol ni Ynez ay lugi pa siya. Bakit hindi na lang niya atupaging magtrabaho, kikita pa siya, hindi pa sasakit ang ulo niya?
Hindi sa pangmemenos sa estado ni Ynez bilang artista. Mahusay siya kung mahusay bilang aktres. Pero ang kawalan ng regular na pinagkukunan ng income ang mas dapat niyang i-address.
Bilib kami kay Ynez dahil sa kanyang pakikipaglaban sa mga karapatan niyang nilabag umano ni Dupaya.
Pero kung lalabas na abonado pa siya kesa sa kanyang makukuha, is her case worth fighting for in court?