Sinabi ni Police Regional Office 3 head Chief Supt. Amador Corpus na batay sa ulat mula sa Special Investigation Task Group (SITG) Nilo na binuo ng Nueva Ecija provincial police, nakilala na ang isa sa mga suspek base sa closed-circuit television (CCTV) footages.
“We have a development today, we are now looking into five suspects based on the CCTV footages na nakuha po since up to the next towns na pwedeng pagkunan ng CCTV,” sabi ni Corpus.
Idinagdag ni Corpus, na nakita ang suspek na nakasakay kasama sa isang motorsiklo kasama ang dalawang iba pa matapos naming barilin si Nilo sa kapilya ng Barangay Mayamot sa bayan ng Zaragosa sa Nueva Ecija noong Hunyo 10.
Ani Corpus, sinundan si Nilo ng tatlong lalaking sakay ng isang ng isang sedan mula sa kalapit na barangay papuntang kapilya kung saan pinatay ng mga salarin ang pari.
Naghintay ang mga suspek sa pari habang sakay ng isang motorsiklo.
“So sa backtracking and review ng CCTV footages, nagpalit ang mga ito. Itong dalawa sila ang sumakay—that is our initial assessment—sila ‘yung sumakay sa getaway car then the three na ginamit na lookout na nakasakay formerly sa getaway car ito ang actually ang sumunod kay Father going to the kapilya ng Mayamot,” sabi ni Corpus.
Ayon kay Corpus, inaalam na ng pulisya ang pagkakasangkot ni NIlo sa pagresolba sa mga away hinggil sa lupa sa Nueva Ecija at ang kanyang pagiging aktibo para suportahan ang mga biktima ng rape at inabusong mga bata at ang paghahain ng kaso laban sa mga suspek.
Idinagdag ni Corpus na kilala ring bumabatikos si NIlo sa ibang mga relihiyon, bagamat hindi pinangalanan.