DAHIL malapit na ang eleksyon ay gitgitan na ang labanan ngayon pa lamang ng ilang mga pulitiko sa isang lungsod sa Metro Manila.
Dalawang talunan noong nakalipas na halalan ang pilit na pinag-uusap ngayon ng kanilang mga supporters parang maging solid ang kanilang boto laban sa incumbent city mayor na target nilang mapatalsik sa city hall.
Ang problema ay parehong ayaw paawat ng dalawa sa kanilang kampanya para maging alkalde ng kanilang minamahal na lungsod.
Si Mr. A ay dating mayor na gustong ireclaim ang kanyang upuan sa city hall.
Si Mr. M naman na opisyal ngayon ng isang sangay ng pamahalaan ay dating vice mayor na target rin ang pagiging mayor ng lungsod.
Ang problema ay parehong magmumula sa dalawang distrito ng lungsod ang kanilang mga magiging boto kaya kapag natuloy ang labanan nila ay tiyak na mahahati ang boto pabor sa nakaupong alkalde.
Sinabi ng kampo ni Mr. A na dapat ay tumakbo na lamang na kongresista si Mr. M dahil mas malakas umano siyang contender sa pagka-mayor.
Natural na hindi pumayag si Mr. M dahil matagal na niyang ambisyon na maging city mayor.
Bakit nga naman hindi raw si Mr. A ang tumakbo sa pagkakongresista tutal naman daw ay naging mayor na rin ito ng mahabang panahon.
Yan ang problema ngayon ng kanilang mga handler dahil hindi magkasundo ang nasabing mga pulitiko kaya hindi pa nila mailatag nang husto ang mga plano para sa 2019 local elections.
Ang mga bidang pulitiko sa ating kwento ngayong araw ay sina Mr. A…as in Akong at Mr. M…as in Morning.
Bakbakan ng mga politiko
READ NEXT
Forecast ng Pagasa, swak
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...