Ellen ayaw pa ring magpakita sa publiko, ginamit ang pagbubuntis para makaiwas sa korte

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

NO show ulit si Ellen Adarna sa hearing ng isinampang kaso laban sa kanya ng mga magulang ng menor de edad na kinunan niya ng picture at ipinost sa social media.

Instead, ang partner niya na si John Lloyd Cruz ang nagtungo sa korte kasama ang ilang abogado ni Ellen.

Ellen may still be in mourning sa pagkamatay ng kanyang ama and if true na she’s still carrying her baby courtesy of John Lloyd, medyo mahirap talaga for her na harapin ang mga kaso – na maaaring ginamit na depensa ng mga abogado ni Ellen para katigan ng korte na mag-set ulit ng another hearing.

At the same time, tila ilag pa rin siya na magpakita sa publiko. Hindi nga ba’t pati sa social media accounts niya ay ‘di rin siya naglalabas ng kanyang hitsura these past few days.

Bibilib ka rin kay Ellen on how she’s handling all the “issues” in her life now. Mabuti na rin at nandiyan sa tabi niya si John Lloyd na amakakapagbigay ng kahit konting comfort sa kanya.

Ang next hearing ni Ellen para sa child abuse at cuberbullying case ay sa June 25. Ang $64 question now ay kung sisiputin na ba ‘to ni Ellen? Unless she gives birth na and the court has no choice but to set a date for another hearing again.

Read more...