Song Ji Hyo, Park Shi Hoo bibida sa K-horror-romcom

MAGSASAMA naman ang Korean stars na sina Song Ji Hyo at Park Shi Hoo sa isang romantic horror comedy na Lovely Horribly.

Napapanood si Ji Hyo sa sikat na Korean variety show na Running Man samantalang huling bumida si Shi Hoo sa top rating na My Golden Life.

Gagampanan ni Shi Hoo ang role bilang isang sikat na aktor samantalang gaganap naman si Ji Hyo drama writer. Mapapanood ang Lovely Horribly ngayong Agosto.

Kabilang sa mga K-drama ni Ji Hyo ang What A Man’s Want, Emergency Couple, My Wife is Having an Affair at Ex-Girlfriends Club.

Kasama naman sa mga K-drama ni Shi Hoo ang Queen of Reversals, Prosecutor Princess, The Princess’ Man at ang hit thriller film na “Confession of Murder.”

Read more...