Habang nagtatalumpati si Duterte, sumisigaw naman ang mga ralyista.
“Hayaan mo lang. It’s a freedom of speech. You can have it. Okay lang. I will understand. ‘Di bale. Hindi manood ako kasi hindi naman lahat eh,” sabi ni Duterte matapos namang maantala ang kanyang talumpati ng sigaw ng mga nagpoprotesta.
Kinawayan pa ni Duterte ang mga dumalo sa pagtitipon.
“Our Constitution guarantees freedom of the press, freedom of assembly and free expression. So, I would just advise the law enforcement to just deal with them peacefully and the maximum tolerance,” ayon pa kay Duterte.
“Eh hindi man ho natin… We cannot agree at all times for all seasons. But at least we have this exercise once every six years I suppose under this new Constitution and you can elect the leaders that you want to run the country,” dagdag pa ni Duterte.
Kasabay nito, humingi ng paumanhin si Duterte dahil sa pagkabalam ng pagsisimula ng programa dahil sa nahuli siya sa kanyang iskedyul.
“Ako po’y naglilingkod sa inyo at humihingi ako ng tawad. Eh sarado po ang langit at hindi ako makahanap ng butas, palanding pati pag-take off. So I had just to while away my time,” sabi pa ni Duterte.
Sa kanyang talumpati, muling iginiit ni Duterte ang kanyang gera kontra iligal na droga.
“I have made it my personal mission to rid our nation of these ills, but I cannot do it alone. At this crucial juncture in our history, we need to draw strength from the lessons of our past to ensure that these ills do not cause any more damage to our future” dagdag ni Duterte