John Lloyd Cruz dumalo sa pagdinig sa child abuse case vs Ellen Adarna

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

DUMALO ang aktor na si JOhn Lloyd Cruz sa preliminary investigation kaugnay ng mga kasong child abuse at cybercrime na inihain ng nanay ng 17-anyos na menor-de-edad laban sa aktres na si Ellen Adarna.

Sa isang ulat ng ABS-CBN, nabigo namang dumalo si Adarna sa pagdnig ng Pasig City Prosecutor’s Office.

Sinamahan si John Lloyd ng abogado ni Ellen.

Dumalo naman ang mga nagrereklamo partikular si Myra Abo Santos, nanay ng 17-anyos na dalagita.

Sinampahan si Ellen ng kaso noong Mayo 15 matapos namang akusahan ang menor-de-edad ng pagkuha sa kanyang ng video.
Batay sa ulat, tumagal lamang ang pagdinig ng wala pang 30 minuto at ipinagpaliban sa Hunyo 25 matapos ang mosyon ng kampo ni Ellen.

Read more...