Tarayan showdown nina Jen at LJ sa The Cure inaabangan na

SA ilang gabi naming panonood ng The Cure sa Kapuso Network, napansin naming hinay-hinay pa ang acting ni Jennylyn Mercado sa mga eksena nila ni Diva Montelaba. Of course, between the two, di hamak na mas malawak ang karanasan ng Ultimate Star kumpara sa Starstruck Avenger.

But wait, kasama rin sa cast si LJ Reyes na isa sa kontrabida ng The Cure. Aba, gaya ni Jen, award-winning actress din si LJ na ilang beses nang nagbida sa mga premyadong indie movie, huh!

Kaya naman ang viewers, talagang inaabangan na ang engkuwentro nina Jen at LJ nang sa gayon eh, magkaalaman na kung sino talaga ang mas magaling sa kanilang dalawa, huh!

Read more...