Vice Ganda, 8 ang naka-fling na artista; ‘niligawan’ ng Hashtag

NAKAKALOKA ang mga revelations ni Vice Ganda sa part 2 ng anniversary special ng Gandang Gabi Vice last Sunday, ha!

Sa segment kasi na “Guilty or Not Guilty”, inamin niyang may naka-date siya na nakilala niya mula sa audience ng isang show at meron din siyang nasampal na babae sa isang bar.

Unang tanong sa kanya ng guest host sa GGV na si Gus Abelgas kung may naka-date siyang audience members, tugon ng Unkabogable star, “Twice lang naman sir Gus. In seven years, dalawa lang po.”

Kasabay nito ang pag-amin ng TV host-comedian na meron na rin siyang nasampal na girl, “Guilty ako du’n, pero isang beses lang yun Sir Gus.”

Kuwento ni Vice, nag-aaway daw sila ng boyfriend niya that night sa loob ng isang club nang makita niya ang girl na kinukunan sila ng video. Nilapitan niya ito at kinausap na huwag silang kunan pero hindi raw nito pinakinggan ang kanyang pakiusap kaya nasampal niya ito.

Diretso ring sinagot ni Vice ang tanong kung may naka-fling siyang artista, “Ilan lang naman sila, mga walo.”

Tungkol naman sa chika na may inawrahan at naging dyowa siyang member ng grupong Hashtag, ito ang tugon ni Vice, “Hindi ko inawrahan, ako ang inawrahan. Pero hindi pa siya Hashtag nu’n.”

Totoo bang nagparetoke o nagpa-opera para ma-achieve ang awra niya ngayon? “Opera ba yun?

Hindi naman kasi siya opera, procedure lang. Hindi po ako nagpa-opera, may mga procedure lang, tinurukan para may mabanat.”

Read more...