Kambal, Karibal extended uli, Sunshine eeksena

EXTENDED na naman ang top-rating Kapuso primetime series na Kambal Karibal. Balitang hanggang August pa ito mapapanood sa GMA Telebabad.

Kaya naman may mga madadagdag na characters sa pagpapatuloy ng kuwento ng teleseryeng pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Isa na nga rito ang award-winning actress na si Sunshine Dizon.

Ngayong linggo ay inaasahang papasok na ang karakter ni Sunshine bilang tunay na nanay ni Cheska na ginagampanan ni Kyline Alcantara.

Si Sunshine ang kapalit ni Jean Garcia na pinatay na rin sa kuwento dahil kailangan na nitong mag-taping para sa bagong Kapuso series na Ika-5 Na Utos: Wag Kang Papatay.

Sa teaser pa lang ng Kambal Karibal, mukhang mapapasabak muli si Sunshine sa matinding dramahan at inaasahang sila naman ni Carmina ang magkakaroon ng maiinit na confrontation scene bilang dalawang inang mag-aagawan sa kanilang anak.

Read more...