Maricar kay Richard: After 5 years you still like me a lot!

MARAMING kinilig at nag-congratulate sa mag-asawang Maricar Reyes at Richard Poon nang mag-post sila ng sweet message para sa isa’t isa for their 5th wedding anniversary.

Isang litrato nilang mag-asawa ang ipinost ni Maricar sa kanyang Instagram account na may caption na: “5 years married. There was a time I thought I’d never find someone who’d want to marry me. And after 5 years you STILL like me a lot. Ang saya naman. Ang bait tlga ni God sakin, ewan ko ba. I like you a lot too.”

Isang photo naman ni Maricar na naka-wedding gown ang ipinost ni Richard sa IG na may caption na, “Happy 5th Hon!”

Kung matatandaan, ikinasal ang dalawa sa isang private ceremony sa Alabang noong June 9, 2013.

Read more...