Agad namang nakiramay ang mga kongresista sa pamilya ni Golez na inatake sa puso. Siya ay anim na beses na naging kongresista ng Paranaque kung saan vice mayor ngayon ang kanyang anak na si Rico Golez.
Siya ay nagtapos sa Philippine Military Academy at United States Naval Academy sa Annapolis, Maryland kung saan siya kumuha ng Bachelor of Science degree, major in mathematics and operations analysis.
Kinumpirma ni House majority leader Rudy Farinas ang pagpanaw ni Golez.
“It is with sadness that I post here (Viber group with House media) that (House Minority leader) Danny Suarez just called me with the information that our former colleague, ROILO “ROY” GOLEZ, passed away due to heart attack. May his soul rest in peace!” ani Farinas.
Si Golez ay naging chairman ng House committee on national defense at isang dating Philippine Navy officer.
Kaninang umaga ay nakapanayam pa si Golez sa radyo kaugnay ng pag-landing ng Chinese military plane sa Davao City.
“Importante para gobyerno na sabihin at maging transparent kasi sunod-sunod ang mga balita na nag-landing ang bombers sa Paracels. Kaya importante sa gobyerno na maging transparent agad at i-announce na ito para kumalma ang mga tao at hindi magkaroon ng speculation,” saad ni Golez sa naturang panayam.
Dapat ay haharap din siya sa isang television interview subalit siya ay nagsusuka kaya dinala sa ospital.