Myrtle ayaw nang magkadyowa ng taga-showbiz; ‘Wander Bra’ ibang-iba kay Darna

MYRTLE SARROSA

HANGGA’T maaari ay ayaw nang magkaroon ng boyfriend ni Myrtle Sarrosa ng taga-showbiz.

Umamin ang Kapamilya actress-cosplayer na meron siyang dine-date ngayon ng non-showbiz guy sa presscon ng Sisters Sanitary Napkin na isa sa kanyang mga endorsements ngayon. Muling pumirma ng kontrata ang dalaga bilang ambassador ng nasabing produkto.

Ito na ang ikatlong taon ni Myrtle bilang brand endorser ng Sisters na napili hindi lang dahil sa sikat siya sa mga kabataan kundi pati na rin sa kanyang advocacy sa edukasyon. Kaya naman tuwang-tuwa si Aileen Choi Go, ang VP for Marketing ng Megasoft Hygienic Products dahil patuloy pa rin nilang makakasama si Myrtle sa kanilang mga makabuluhang events.

Going back sa lovelife ng dalaga, ang huling boyfriend pa yata ni Myrtle ay ang anak ni Sen. Grace Poe na si Bryan Llamanzares at hanggang ngayon ay single pa rin siya.

“Hindi naman sa na trauma but I think better if you’re with the person na yung hindi kilala, or it’s better if you’re with someone na hindi ganu’n kakilala na loud or high profile,” pahayag ng dalaga na nakiusap sa press na huwag muna siyang kulitin tungkol sa identity ng kanyang manliligaw.

Naikuwento rin ng aktres ang tungkol sa launching movie niya na isang fantasy-comedy, ang “Wander Bra” kung saan gaganap siya bilang isang superhero.

“Yung kuwento ng ‘Wander Bra’ po is about Barbara na tuwing sinusuot niya yung isang pink bra nagiging superhero siya. Nagiging ako siya so parang ang dating si Captain Barbel parang ganu’n,” chika pa ni Myrtle.

Iba raw ito sa “Darna” movie ni Liza Soberano at makakasama niya rito sina Kakai Bautista at Ahron Villena.

“Iba talaga ang experience kasi this time, superhero ka, tapos may mga scenes na naka-harness, na nasa green screen, so, nag-e-enjoy talaga ako sa role ko ngayon,” kuwento pa ng dalaga.

“Iba naman po ito sa Darna. Darna is an action-fantasy, ‘yung sa amin naman comedy-fantasy. Saka ‘yung costume ko, malayo sa Darna. Kulay-pink siya,” aniya pa.

q q q

Tungkol naman sa pagiging ambassador ng Sisters Sanitary Napkin, ibinalita ni Myrtle na nakapunta na sila sa 30 paaralan sa high school para sa “School Is Cool” campaign ng Megasoft kung saan sila nagbigay ng recognition sa mga outstanding students and teachers. At dahil sa success ng programa, magtu-tour na rin sila sa mga state universities and colleges.

“This is new for us. We have been receiving invitations from state universities and colleges for our campaign. They also want their students to experience our fun-filled educational events. So, this year, with Myrtle, and other Megasoft celebrity endorsers and partners, we will not only be entertaining high schoolers but also the college students,” ani Ms. Aileen Go.

Nagpasalamat naman si Myrtle nang bonggang-bongga sa Megasoft dahil sa patuloy na pagmamahal at tiwala sa kanya, “Big Sis (tawag niya kay Ms. Aileen) is a great influence in my lief.

She has given me advice from the must watch online series, to travel tips to business ventures. She even let me join her in business conferences. Napakarami ko pa talagang natututunan sa kanya about life.”

Myrtle will banner the “2018 Megasoft School Is Cool Tour” in Quezon on June 13, 9 a.m. at the Atimonan National Comprehensive High School and at 2 p.m. at the Gumaca National High School. Nasa Sto. Tomas, La Union naman siya sa July 19 para sa 2nd Sanglad Festival at sa Waltermart Tarlac sa July 21.

Read more...