PINAKILIG na naman nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang kanilang fans dahil sa naging kwentuhan nila with All Access host Joyce Pring.
Isang trivia ang ikinuwento ng aktres kung ano ang favorite thing niya about her leading man. And unlike other girls, simple lang ang gusto ni Bianca sa Kapuso actor. Aniya ito ay ang pagiging corny sa pagdyo-joke. Gayumpaman, napapasaya pa rin daw siya nito.
Pero ang talagang kinakiligan ng lahat ay ang sagot ng kapwa nila Kambal, Karibal star na si Jeric Gonzales sa tanong ni Joyce. Ayon sa Kapuso host, ano pa raw ba ang na-develop bukod sa friendship nilang mga co-actors?
Sagot ni Jeric, “Sila” na ang ibig sabihin ay ang pag-level up ng relasyon nina Bianca at Miguel. Kaloka, huh! Totoo ba ito, BiGuel!?