Libreng sakay sa LRT, MRT3

MAGBIBIGAY ng libreng sakay ang Light Rail Transit 1 at 2 at Metro Rail Transit 3 sa Martes, ang ika-120 taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Ayon sa ipinalabas na advisory ng LRT 1 at LRT 2,  libre ang sakay sa mga tren nito mula 7 ng umaga hanggang 9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Sa ipinalabas namang advisory ng MRT3, sinabi nito na wala ring bayad ang pagsakay sa tren mula 7 hanggang 9 ng umaga at 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

Read more...