SUPER bilib si former Miss Universe Gloria Diaz sa kanyang anak na si Isabelle Daza bilang bagong mommy. More than her being a super lola with her new apo, mas na-shock si Gloria sa pagiging nanay ng kanyang anak.
“Isabelle is a very good mommy. I go to sleep thinking she’s a super mom. She’s a better mommy than I was and the father (Adrien Semblat) of course, is a super daddy. They’re the ones who clean the baby, wash him. He takes the baby a bath every single day,” bungad na kwento ni Gloria.
Good influence raw kay Isabelle ang kanyang mister, “She grew-up like me, ‘Yaya, bahala ka diyan,’ you know. Nagbe-breastfeed din siya. Even her demeanor has become so gentle. I can’t believe. She’s gentle now. She speaks in whispers even her husband. Maliit ang boses para hindi raw maingay. Stay away from so much noise,” lahad ni former Miss U.
Nakausap namin si Gloria sa mediacon ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) para sa pagpapalabas ng iba’t ibang award-winning films mula sa local film festivals sa Cine Lokal titled “PelikuLAYA sa Cine Lokal: An LGBT Film Festival” in partnership with different LGBTQIA+ groups.
The lineup for this month includes the Sineng Pambansa National Film Festival 2013 drama film “Lihis” directed by Joel Lamangan kung saan kasama ang mag-inang Gloria at Isabelle, with Jake Cuenca, Joem Bascon and Lovi Poe. At isa pang movie ni Gloria with Elizabeth Oropesa, ang comedy film na “Si Chedeng at Si Apple” directed by Rae Red and Fatrick Tabada na isa sa mga entries sa CinemaOne Originals 2017.
Pasok din sa ipapalabas sa June 22 to 28 sa SM Manila, SM Sta. Mesa, SM Mall of Asia, SM Megamall, SM North Edsa, SM Fairview, SM Southmall and SM Bacoor ang Cinemalaya filmfest 2014 Best Picture “Kasal” directed by Joselito Altarejos starring Arnold Reyes, Oliver Aquino, Rita Avila and Ronwaldo Martin.
And last but not the least, ang documentary film, “Outrun” directed by Leo Chiang and Johnny Symons na nagpasilip sa challenges na kinakaharap ng LGBT people.
“You know, I think it’s interesting especially that we have a lot of talents who have not yet been uncovered. I’m talking about directors, scriptwriters, original stories.
“I think it’s a new venue that can become bigger and better and more original kasi the usual formula films parang medyo abused na talaga. Eto naiiba,” lahad ni Gloria sa pagsali ng pelikula nila sa “PelikuLAYA.”
Inamin ni Gloria na nagulat siya noong una niyang binasa ang kwento ng “Si Chedeng at si Apple.” Isang misis na nu’ng mamatay ang asawa ay nagdesisyon na hanapin ang tunay niyang identity. Unlike before, mas maingay na ngayon ang LGBT community sa mga isyung ipinaglalaban nila.
“Oh, yeah, of course. I read a lot and I’m aware but many of the issues sometimes is very individual. Maybe one of a kind. But usually a lot of the LGBTs all have problems like all of us. How to make a living? How to live with somebody and we cannot reall just say boy or another boy to a boy, or girl? And of course, health problems,” sabi pa ng dating beauty queen.
Tinanong namin si Gloria kung ano sa mga issues ng LGBT ang agree siya at hindi pabor, “Well, ako, confused is the word, not agree. I’m talking about like marriage. On cases of marriage of same sex is fine because it will help a lot of legal problems, inheritance, documents.
“Sa case ng maybe, third restroom? That is very…we’re still just starting to decide and I think because of the economy we really have to realize that if you are a girl, tomboy or whatever, go to the girls.”
q q q
Muling pinaluha ng award-winning actress na si Ana Capri ang mga manonood sa ipinalabas na episode kagabi sa longest drama anthology on TV, ang Maaalaala Mo Kaya. Last time napanood namin si Ana sa programa ni Charo Santos ay noong gumanap siya bilang ina sa lifestory ng DZMM host na si Papa Ahwel Paz.
This time, anak naman ni Malou de Guzman ang gagampanan niya bilang si Adelina na dumanas ng sunud-sunod na trahedya sa pamilya. Gumanap naman bilang batang Adelina ang napakahusay na child star na si Rhed Bustamante.
Nakasama rin sa nasabing MMK episode sina Jordan Castillo, Belle Mariano, Raine Salamante, Marc Santiago, Lazia Comia, Mike Loren, Mary Joy Apostol, Bugoy Carino at Akihiro Blanco. Ito’y idinirek ni Nuel Naval, at sa panulat naman ni Benson Logronio.