Kris jackpot pa rin sa online world, namigay na ng 13th month sa lahat ng empleyado

“CHRISTMAS in June!” Ito ang nararamdaman ng buong household at KCAP staff ni Kris Aquino ngayon. Ibinigay na kasi ng Queen of Social Media ang kanilang 13th month pay last Friday.

Ni-renew ng NBS ang partnership nila kay Kris kaya maganda ang mood nito. Ibinalita rin sa amin ng staff ni Kris na si Jack Salvador na pagkatapos nilang mag-shoot ng webisode para sa brand partner nilang National Book Store sa SM Megamall nu’ng Biyernes ay namili na rin sila ng mga gamit ni Bimby sa school at isinabay na rin ang mga anak nila.

Napanood namin ang ipinost na video ni Kris sa Instagram pagkatapos niyang mag-shoot ng NBS, “I shot for 2 hours for @nationalbookstore in @smsupermalls @smmegamall& they patiently waited. THANK YOU for the #lovelovelove.”

Sobrang dami ng taong nag-abang kay Kris sa paglabas niya ng bookstore para bumati at magpa-picture sa kanya. At mukhang napakataas pa rin ng energy niya dahil nakapag-post pa siya kahapon ng 6 a.m. tungkol sa pizza post-birthday celebration ni kuya Joshua kasama ang mga kaibigan nito.

Post ni Kris, “I normally don’t turn off commenting but cruelty & bashing against these kids will just be outright cruelty & evil patulog pa lang ako because there was so much I had to read & write.

“But @bts.bighitofficial #MAGICSHOP that captured my feelings about Kuya josh & Bimb. Thank you @smsupermalls @thepodiummall & @motorino_ph for accommodating my small pizza making party reservation for kuya & his therapy friends.

“God bless you all. Again thank you for your love & support. #lovelovelove #family.”

Sobrang blessed talaga ni Kris kaya maski na anong pagsubok sa buhay ang dumarating sa kanya ay nalalampasan niya agad.

Read more...