Showtime nag-sorry sa madlang pipol dahil sa ampon joke nina Girltrend Erin at Hashtag Jimboy

HINDI nakaligtas sa galit ng netizens ang sinasabing “insensitive and ignorant joke” ng GirlTrends member na si Erin Ocampo sa isang episode ng It’s Showtime tungkol sa mga batang iniwan at inabandona ng kanilang magulang.

Dahil dito, agad na humingi ng paumanhin ang buong produksyon ng Kapamilya noontime show sa nangyari sa
“PUROKatatawanan” segment ng programa.

Nag-ugat ang lahat sa joke ni Erin kay Hashtags member Jimboy Martin. Simula ng dalaga, “Jimboy, paano gumawa ng panget na anak?” Hirit naman ni Jimboy, “Paano gumawa ng panget na anak? Ba’t di mo itanong sa nanay mo?”

Sabi naman ni Erin, “Ano’ng sagot mo? Tanong ko sa nanay ko? Mali! Tanong mo sa totoo mong magulang kasi ampon ka!”

Isa ang NORFIL Foundation (non-profit, non-government organization na nmamahala sa isang rehabilitation center para sa mga disabled, neglected at abandoned children) sa mga na-offend sa joke nina Erin at Jimboy.

“We at NORFIL Foundation Inc., would like to express our grave alarm and dismay to Showtime’s episode that was aired yesterday, June 7, 2018 (Thursday)…

“This kind of insensitive and ignorant joke should not be tolerated and taken lightly. We hope that the media, as a powerful influence should convey proper information about legal adoption.

“As an adoption agency, we are calling for support and proper corrective action regarding this issue especially from MTRCB and Department of Social Welfare and Development. All children are beautiful and unique,” ayon sa official statement ng grupo.

Isa pang netizen na nagsabing isa siyang parent ng adopted child ang nag-post sa kanyang Facebook account para ipamukha ang pagkakamali ni GirlTrend Erin.

“Maganda ka at maganda din Ang anak ko at ‘adopted’ siya. Yung joke mo tungkol sa Kung paano gumawa ng pangit na anak ay kailangan mag Ampon ka ay biro na hindi nakakatawa.

“Sa mga writer ng Showtime, mahusay naman kayo magsulat pero sa joke na yun palyado, waley, di nakakatawa, di nakakatuwa. Gumawa kayo ng biro para nakasakit ng iba ganyan ba ang kalidad ng joke na Kaya ninyong isulat? You are all better than that.”

Narito naman ang opisyal na pahayag ng Showtime na binasa ni Amy Perez sa kanilang programa kasama ang ba pang host, “Kahapon po, sa aming pananghalian, yung ‘Puro Katatawanan’ ay nagbitaw po ang aming kasamang si Erin Ocampo ng hindi magandang biro tungkol po sa mga ampon, na nakasakit po sa damdamin ng publiko.

“Ang buong programa po ay humihingi ng paumanhin at hindi po namin intensiyon na mawalan ng respeto at gawing katawa-tawa ang marami pong tao.”

Aniya pa, “Magtiwala po kayo na mas lalo po kaming magiging maingat, responsable, at sensitibo sa amin pong mga salita para sa kasiyahan po ng lahat. Muli, ang amin pong paumanhin sa lahat at mahal po namin kayo madlang people. Maraming salamat po.”

Read more...