MAY pahabol pang hot photos si Lovi Poe kahit nag-start na ang tag-ulan. Seksing-seksi pa rin ang Kapuso actress sa mga Instagram shots niya sa Siargao.
Makikita sa mga litrato ang fit at toned body ni Lovi, lalo na sa kanyang red two-piece bikini. Makikita naman sa ibang lirato ang aktres habang nagre-relax at umiinom ng wine.
Sinasamantala na marahil ni Lovi ang bakasyon dahil katatapos lang ng huling serye niya na The One That Got Away with Dennis Trillo, Rhian Ramos and Max Collins.
MOST READ
LATEST STORIES