Alden, Maine may hamon sa AlDub scholars: Maging inspirasyon sa mga kabataang Pinoy

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

ISANG taon na ang ADN Scholarship Drive na project ng @ADNTeam-Angeles. Kapwa tumutulong sa proyektong ito sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Bilang pagpupugay sa unang taon ng ADN Scho-larship Drive, naglabas ito sa Twitter ng isang video message mula kina Alden at Meng.

“We hope their messages of encouragement would push you to be the best versions of yourselves. Keep paying it forward,” tweet ng ADN Scholarship Drive.

“Helo to ADN scholars! Happy first anniversary and thank you so much for being inspiration to a lot of people. God bless you!” mensahe ni Alden.

“Hello, mga ADN scho-lars. Pagbutihin ninyo ang pag-aaral. Sana ipakita ninyo sa kanila na worth it kayo,” mensahe naman ni Maine.

Kahit “split screen” ang mensahe nina Alden at Maine, kuntento na ang AlDub fans sa gesture na ‘yon ng kanilang mga idolo para sa isang makabuluhang proyekto na maraming kabataan ang nagbebenepisyo.

q q q

Hindi nagmarka sa mga role niyang “best friend” ang baguhang si Donnalyn Bartolome. Pero nang pasukin niya ang internet at pasabugin ang mga kantang siya mismo ang sumulat, nagbunga naman ang pakembut-kembot niya sa socmed.

Ito ang naging daan para tawagib siyang Social Media Sweetheart. Isa na rin siya sa lead stars kasama si Ella Cruz sa suspense-thriller na “Cry No Fear” ng Viva Films.

“Sa nagawa ko before, lagi po akong best friend. Best friend ako ni Nadine (Lustre). Kapatid ni Anne Curtis. Favorite ko kasi siya. Mostly po talaga, lagi akong friend.

“Tapos nag-a-acting workshop po ako. Tapos, si-guro, nakita naman nila na kaya ko nang umarte sa ganitong role. Kaya po siguro (binigay sa akin). Pero ako rin po na-surprise.

“Pero may screening din ito. Kasi si direk (Richard Sommes), nag-meeting po muna kami. Tapos, hayun, meron din po kaming workshops. I guess kung hindi po nila nakitaan, kumbaga, siya pa rin ang magde-decide kung kaya ko rin o hindi,” saad ni Donnalyn sa press launch ng movie.

Read more...