SA lalim at tagal ng pinagsamahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, kabisado na nila ang bawat hininga ng bawat isa. Sa isang Kapuso Web Specials video, napaka-intimate ng kanilang mga sagot sa ilang tanong for them.
Nang tanungin si Miguel kung saan niya nakikita ang sarili limang taon mula ngayon, kasama sa nabanggit niya si Bianca. Sinabi nitong in five years, nakapag-travel na siya sa maraming lugar kasama si Bianca, iba’t ibang role na ang nagampanan niya, at napasaya na rin niya ang kanyang pa-milya.
Nakadagdag sa kilig ang hindi mapagbitaw nilang kamay na sa buong video ay kitang-kita na magka-intertwine.
Hindi malayong matupad nila ang mga planong ito dahil sa taas ng ratings ng Kambal, Karibal at sa galing ng kanilang performance dito, siguradong mas maraming challenging roles pa ang ibibigay sa kanila pagkatapos nito.