HINDI malaman ng malalapit na kaibigan nitong si magaling na male TV host kung maaawa o matutuwa sa mga pinaggagagawa niya.
Paano kasi, napakasipag daw talagang mag-audition ni male host sa mga teleserye kahit ilang beses na siyang nabigo na makakuha ng kahit anong role.
Mula kasi ng umentra sa showbiz si male host, minsan lang itong nagkaroon ng movie project na super flop pa, at kung mapasama man sa mga soap opera, ay hindi naman magmarka ang kanyang mga karakter.
Kaya ang ending, sa hosting ito nagtiyaga kahit pa nga parang lagi rin siyang “tagasalo” o “dakilang kapalit” lang ng mga hindi umuubrang host dahil sa conflicts of schedule and other reasons.
Pag-arte raw kasi sa kamera at pag-display ng katawan nito ang trip gawin ni male host, kaya napakasipag nitong mag-audition.
Nu’ng minsan nga raw na kailangan ng isang serye ang mga hunk actor na magpapaseksi ay mabilis na nag-audition si TV host, pero as usual, hindi pa rin siya natanggap.
Nakakaawa ba siya o nakakatuwa? Gasgas na gasgas na siya, ha!