VJ Donny hindi kagwapuhan sa personal, pero…

DONNY PANGILINAN

HMMM, agree kami sa observation ng marami na hindi ganu’n kaguwapo sa personal ang VJ cum actor na si Donny Pangilinan.

Siguro ay dahil mukha itong patpat sa sobrang kapayatan pero matangkad. But once he opens his mouth and answers questions, mapapa-wow ka na lang – at unti-unti mo nang maa-appreciate ang kanyang kapogian.

Matalino kasi ang binatang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan at may kakaiba itong charm lalo na kapag tumatawa o kahit ngumiti lang.

And yes, sa screen ay napa-kaguwapo niya at ang sarap-sarap niyang titigan, kaya siguro siya binigyan agad ng Regal Films ng pagbibidahang movie kasama sina Elmo Magalona, Kiko Estrada at Jerome Ponce, ito ngang barkada movie na “Walwal”.

“Both nervous and excited,” sey ng binata during the presscon of “Walwal” na ipalalabas na this June 27.

Hindi naman daw bago sa kanya ang experience dahil nakita na niya ito sa kanyang parents, pero yung meron daw nagdidirek at nagbibigay ng instruction sa kanya habang todo-emote sa isang eksena, dun daw siya medyo nanibago.

“Kasi everything needs to be on cue. Eh, medyo sanay ako sa pagiging spontaneous, so kapag may cut and everything na, parang bigla ring nagbabago ang lahat for me. But I’m a work in progress, Nag-eenjoy naman ako kaya ang feeling ko magtatagal naman ako rito,” sey pa ng binata na umaming proud na proud siya dahil sinamahan pa siya ng kanyang nanay sa presscon ng kanyang first movie.

Read more...