Advertisers kumampi kay Kris; emote ni Mocha Uson scripted

BONGGA ang nakitang opportunity ni Mocha Uson na tinatawag ngayong “little President Duterte” para muli siyang pag-usapan at makilala pa ng mas nakararami. Talagang headline na naman siya matapos sumiklab ang giyera sa pagitan nila ni Kris Aquino.

For all we know, scripted pala ang lahat dahil may kung anik-anik na kundisyon ang isyu sa mundo ng pulitika. Ha-hahahaha!

But on a serious note, nasa tao na lang siguro kung paano pa magpapauto o magpapadala sa sinasabi ng dalawang nag-uumpugang bato.

Basta kami, patuloy na lang na hahalakhak ng walang sound dahil parang replay lang naman ang kanilang mga emote.

Sey nga ng friends namin from the advertising world, “Kampi kami kay Kris kasi sobra siyang smart at wise na pati mga ine-endorse niyang pro-ducts from shampoo to lipstick, kering-keri niyang i-promote nang walang binabayarang TV or radio spot or advertising slot.”

Ha-hahahaha! May point, ha!

Read more...