Mula sa 45 kilometro bawat oras kamakalawa ng, umaabot na sa 55 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin ng bagyo bago magtanghali kahapon. May pagbuso itong 65 kilometro bawat oras mula sa 60.
Umuusad ang bagyo sa bilis na 15 kilometro bawat oras pakanluran. Kung hindi magbabago ang bilis at direksyon inaasahang lalabas ang bagyo sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw.
Pinalalakas ng bagyo ang Hanging Habagat na nagdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Binabantayan din ng PAGASA ang bagyo na may international name na Ewiniar na nasa layong 1,075 kilometro sa silangan ng Basco Batanes. Hindi inaasahan ng PAGASA na magkakaroon ito ng epekto sa bansa.
Ang bilis ng hangin nito ay 65 kilometro bawat oras at pagbugsong 80 kilometro bawat oras.
Tinatahak nito ang direksyon papunta sa China.