Halik sa amoy lupa

HUWAG kayong matangay sa pandaraya ng mga walang batas at mawalan ng katatagan. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (2 P 3:12-15, 17-18; Slm 90:2-4, 10, 14, 16; Mc 12:13-17) sa paggunita kay San Bonifacio, obispo’t martir.

Buhay na naman ang kalaban at bala nila ngayon ang halik sa amoy lupa. Nasubukan na rin nila ang igiit ang kanilang batas sa isyung Sereno at pati ang Senado ay nabitag ng pandaraya ng mga walang batas. Nang mapuna ng Senado na mawawala ang kanilang katatagan ay huminto ito, kumambiyo at umatras. Paano mapababagsak si Digong sa isyu ng halik sa amoy lupa na may kasunduan naman at gimik lang?

Ayokong maniwala na naiinggit si Erap nang makipag leps-to-leps sa Digong sa babae sa mismong rostrum at likod ng sagisag ng pangulo. Si Digong ay abogado kaya di alam ni Erap ang batas-halik. May parusa sa nakaw na halik (na di maisosoli) at puwersahang halik; lalo sa makamundong halik sa bata. Kaya tinanong ni Digong kung nasa audience ang asawa ay baka masaktan ito sa halikan kahit pumayag ang babae. Meron ngang “consented kiss.” Ang pinakabobong “reaksyon” ay halik daw ni Hudas, na halik sa kapwa may laweeet.

Ilang pari’t madre ang nagbabalak sumawsaw sa halik sa amoy lupa, pero umurong, lalo na ang mga kilala. Bakit di sila sumawsaw sa laplapan na pinondohan ng tooth paste, ang patagalan ng halik para lamang makapasok sa Guinness, ang hayagang halikan ng di naman mag-asawa sa sinehan, mall, parke at maging sa jeepney at MRT? Katawa-tawa ang pagsingit ng Gabriela dahil hindi naman nila ipinaglalaban ang babaeng tuwang-tuwa at pumayag na makipaghalikan kay Digong

Bagaman makapangyarihan, si Digong ay hindi maikukumpara kay Samson. Kayang ibuwal ni Samson ang poste ng templo kapag niyakap. Malalakas ang mga babaeng kayakap ni Digong at ang machong pangulo ang babagsak. Bumagsak si Samson dahil napaalipin na siya sa laman at kamunduhan. Pero, ingat din si Digong dahil mahina siya pagdating sa mga babae. Gusto ko sanang ireto si Digong kay Leila… para masuka siya.

Nakipaghalikan sa labi si Vilma sa kapatid na lalaki ni Ralph noon. Hindi naman nasaktan si Ralph dahil “consented” ito. Sa mga artista ay balewala ang halik sa labi (isa lang ang di nagpapahalik sa labi, maging sa ibaba ng pisngi: Sylva La Torre). Ang mga artista ay ginagaya ng masa, ng fans. More fun.

Tanggap ng simbahang Katolika kung bubuwisan sila ng gobyerno. Pero, bakit dinudusta muna sila bago buwisan, tulad ng bintang na ang perang nakakalap ay ginagamit sa pag-recruit ng bagong mga miyembro? Sa 1st century pa lang, hindi nangalap ng mga miyembro ang simbahang Katolika. Malayang umaalis ang mga kapanalig at bukas palad na tatanggapin kapag nagbalik. Hindi lumalaban ang simbahan sa mga nais magpabagsak nito. Nakatayo pa rin ang bato ni Pedro, na sinimulan sa Pentekostes.

UST (Usaping Senior sa Talakayan, Tangos, Baliwag, Bulacan): Ang P50 noong Hunyo 2017 ay P35 na lang ang halaga kahapon dahil sa inflation, na araw-araw ay nababawasan ang halaga ng piso. Sa eskaparate sa tindahan, tumataas ang presyo tuwing makalawa, pero bibilhin pa rin dahil kailangang kumain at magsabon kung maliligo o maglalaba. Sa Marcos 10:17-27, ibibigay ba ng senior ang kanyang PNB SSS ATM para sumunod sa Kanya? Araw-araw hinoholdap ang senior.

PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Ebanghelyo, Muzon, SJDM City, Bulacan): Bawat isa ay dala ang kanilang cellphone para ipagyabang mga retrato noong bakasyon kasama ang pamilya: sa beach, sa gubat ng Sierra Madre (DRT, Bul), sa dalampasigan ng Aurora (na malapit sa DRT) at sa firing range sa Tibagan. Alam ba ninyo na ang Pilipinas na lang ang may “strong sense of family” dahil ito’y nawawala na sa mundo?

PANALANGIN: Parang buntong-hininga sanang lumipas agad ang pandaraya ng mga walang batas. Salmo 90.

MULA sa bayan (0916-5401958): Tabangi presidente. Hindi na humihinto ang pagtaas ng presyo ng gasolina. Kawawa kaming nakamotor. …5403, Kahayag, Bislig City

Read more...