Lauren Dyogi may hugot sa audition nina Nadine at Maine sa PBB

NADINE LUSTRE AT MAINE MENDOZA

May panghihinayang pala sa panig ni ABS-CBN Head of Entertainment Lauren Dyogi nang pinalagpas niya ang chance na maging Pinoy Big Brother housemate sina Maine Something at Nadine Lustre.

Sa kauna-unahang Vlog post ng TV executive, naikuwento niya ang kanyang panghihinayang sa hindi pagkuha kay Maine para maging bahagi ng PBB.

He also shared the video clip of Maine’s audition for PBB 737 na nangyari noong 2015 kung saan si Jimboy Martin ang naging Big Winner.

Isa pa raw sa regret ni Direk Lauren ay ang hindi rin pagpili kay Nadine bilang housemate naman sa PBB Teen Clash of 2010. Dito naman nanalo ang boyfriend ng aktres na si James Reid.

“Marami akong misses in the past, na hindi ko napansin pero sikat na sila ngayon. That’s a bad call on my part,” Direk Lauren said in his vlog.

He added, “Iba-iba naman ang paraan ng pagdi-discover ng stars – may stars diyan na may kamag-anak na sa industriya, kaya natutulungan na sila, meron din mga artista ngayon na nailapit sa amin dahil may mga managers na sila.

“Pero sa karamihan sa mga bituin sa show business ay dahil sa ating mga programang ginawa at natulungan an gating Kapamilya para maging bituin. Hopefully with Star Hunt, this will be the journey to finding that next big star,” the director said.

Read more...