‘Sobrang tigas talaga ng ulo ng dating nagpapaseksi at nagpapahipo ng boobs!’

MOCHA USON

Mismong ang kanang kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpahayag na para matapos na ang gulo ay kailangang manghingi na ng paumanhin si Mocha Uson kay Kris Aquino.

Sa pananaw ni Presidential Assistant Bong Go ay talaga namang nakapanakit ng damdamin ang ipinost na larawan ni dating Senador Ninoy Aquino habang nasa eroplano ilang oras bago ito paslangin, sinadya ‘yun ni Mocha, para kalabanin at saktan ang pamilya Aquino.

Pero matigas talaga ang kukote ng dating nagpapaseksi at nagpapahipo ng boobs na naturingan pa namang assistant secretary ng PCOO. Hindi raw siya magso-sorry kay Kris, sa halip ay meron pa siyang palusot na hindi naman ang aktres-TV host ang kanyang kinakalaban, tungkol daw sa halik ang kanyang argumento.

Nakakaubos ng pasensiya ang babaeng ito na nakakapit lang sa laylayan ng pantalon ng pangulo ay umaakto nang makapangyarihan.

Sobrang tigas ng kanyang ulo, ipinagmamalaki niya ang kanyang milyun-milyong followers, kahit lihis pa siya sa tamang katwiran ay pinaiiral pa rin ni Mocha Uson ang tigas ng ulo.

Mahirap nang baguhin kung ano ang nakasanayan. Tanong na lang ng mas nakararami nating kababayan ngayon ay kung paano siya pinalaki ng kanyang mga magulang.

Read more...