Kris ramdam ang sorry ni Digong: Carebears na lang po sa lahat ng bumabatikos sa akin!!!

KRIS AQUINO

Muling nag-post ng mahabang mensahe si Kris Aquino sa kanyang Instagram account para sa kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpahatid na nga ng paumanhin dahil sa ginawang sablay ni Mocha Uson.

Narito ang IG post ng Social Media Queen: “Alam kong damned if you do, damned if you don’t ako… Alam ko yung mga natitirang LP will bash me & the DDS will never like me. Alam ko rin na sasabihan akong bakit ako nagpapauto.

“Pero ito ang pananaw ko- the most powerful man, President Duterte affirmed my pain. When all his supporters have called me the most hateful names- the man who doesn’t say SORRY- inutusan ang kanyang pinaka pinagkakatiwalaan na mag relay ng SINCERE apology sa kin.

“Anak akong nakipaglaban na bigyan ng respeto ang magulang kong patay na. Sa puso ko, naramdaman ko na yun. So #carebears (read: keber, walang paki) na po sa lahat ng babatikusin ako. In my critics words- this ‘media whore’ ‘bitch’ and ‘kulang sa pansin’ BINIGYAN ng panahon at importansya ng pangulo ng ating bansa.

“Pasensya na kung #BRAT ang tingin ninyo pero this was a #WIN for the memory of the 2 people i love-unfortunately for the HATERS i am here to stay. #KAlevel.”

Read more...