DongYan suportado si Kris sa laban kontra Mocha

DINGDONG DANTES, MARIAN RIVERA AT KRIS AQUINO

Siguradong maraming mamamangha sa pinakabagong programa ni Dingdong Dantes na malapit nang ipalabas sa GMA Network—ang Amazing Earth. Title pa lang ay nakaka-excite na dahil balita namin, puno ito ng kakaibang adventures na inihanda ng Kapuso Primetime King.

Ayon pa sa direktor nitong si Rico Gutierrez, handing-handa na nga silang dalawa ni Dong na umpisahan ito. Ano nga kaya ang masasaksihan ng Kapuso viewers sa bagong journey na ito ni Dingdong bilang host? ‘Yan ang abangan sa GMA!

Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang aktor sa pinagdaraanan ngayon ni Kris Aquino, pati na rin ang asawa niyang si Marian Rivera.

Nag-post si Dingdong ng litrato nila ni Marian kasama si Kris sa Instagram, na may caption na “We love you Ninang! @krisaquino (from 2014 right before our wedding).” Isa si Kris sa mga ninang nila sa kasal.
Nag-comment naman si Marian ng, “I’ll pray for you ninang. #Hugs!”

Na sinagot naman ni Tetay ng, “Thank you inaanak. Yung inner Marian ko lumabas kaya nanghamon na ng walang atrasan.”

Read more...