FDCP, KCC sanib-pwersa sa Seoul Int’l Architectural filmfest

LIZA DIÑO, JEONG JAE-BUN, KIM JEONG-IN AT YUN JAE SEON

May bago na namang project ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamamahala ni Ms. Liza Diño. Naki-tie up sila sa Korean Cultural Center in the Philippines (KCC) para sa Seoul International Architectural Film Festival (SIAFF) na ginanap nitong Hunyo 1-3 sa Cinematheque, Manila.

Napanood namin ang ilang kuha ng Architectural Film at talagang napahanga kami sa linaw at ganda ng shots na akala mo’y 3D.

Layunin ng nasabing Architectural filmfest na maipakita ang iba’t ibang gusali na nakapaloob sa kultura at kakayahan ng Korea at Pilipinas.

Ipinalabas sa naturang event ang isang documentary na pinamagatang “City Talks” na dinaluhan nina FDCP Chairperson Liza kasama sina Direk Jeong Jae-Eun, Kim Young Woo, Kim Jeong-In at Yun Jae Seon.

Umaasa sila na mas marami pang Pinoy ang magkakagusto sa bagong partnership ng FDCP at KCC para sa mga susunod pa nilang film festival at iba pang makabuluhang proyekto.

Read more...