SINABI ng Palasyo na nananili pa rin ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa harap naman ng panibagong mga panawagan na sibakin na siya sa puwesto.
“For as long as she hasn’t been fired, she enjoys trust and confidence because all Presidential appointees serve at the pleasure of the President,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nauna nang umani ng mga batikos ang ginawang pagkukumpara ni Uson sa paghalik sa labi ni Duterte sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa South Korea sa paghalik ng isang tagasuporta kay yumaong dating senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.
Tumanggi rin si Roque na magkomento kung nagiging pabigat na lamang si Uson sa administrasyon.
“Well, ang sinagot po ni SAP Bong Go no comment. I don’t see any reason why I should deviate from that. As I said, please verify or get the opinion of SAP Bong Go because the information came from him,” ayon pa kay Roque.