Kathryn walang awang pinatay ng basher sa social media; fake news

KATHRYN BERNARDO

ISANG basher ni Kathryn Bernardo named Jeydon Loren posted a collage of photos at ikinalat nitong namatay na ang half of the KathNiel love team.

“WE WILL MISS YOU KATHRYN BERNARDO”

“Eto ang karamihang sigaw ng libo libong Fans na dumalo sa libing ni KATHRYN BERNARDO, o kilala sa tawag na SAKANG. Humihingi naman ng Hustisya ang pamilya Bernardo sa karumal dumal na sinapit ng kanilang anak.

“Makikita nyo jan sa itim na VAN nakahimlay ang katawan ni Kathryn habang inihahatid sa huling hantungan (kaso itim di nyo kita mga gago).

“REST IN PIECE KATHRYN BERNARDO.”

Hindi namin alam kung saan nanggagaling ang matinding galit ni Jeydon kay Kathryn at nagawa niyang patayin ang aktres. Nakakaloka ang kanyang post, isang malaking paninira sa isa sa pinakasikat na young celebrities natin.

Naka-private na ang Facebook account ni Jeydon siguro dahil sa takot na siya ay ma-bash.

Read more...