Pa-booking na aktres nahuli ng dyowang male singer na may ka-sex na matanda

ISANG throwback story ang pinagpistahan isang gabi ng mga magkakaumpukang taga-showbiz. ‘Yun ang kuwento na kailanman ay hinding-hindi na makakalimutan pa ng sangkot na male personality sa istorya.

Magkarelasyon sila nu’n ng isang female personality na super-sexy. Kapag ganda ng katawan ang pinag-usapan ay kakabugin ng babaeng ito ang kahit sino diyan.

Maganda ang kanilang relasyon, magkaiba ang kanilang larangan, pero nagkakasundo sila.

Walang kaalam-alam ang male personality na may ginagawa palang milagro ang sexy actress kapag umaalis siya ng bansa.

Kuwento ng aming source, “’Yun ang pagkakataon ng girl na gawin ang sideline niya. Meron na siyang boyfriend, pero nakikipagchurvahan pa rin siya sa iba. Sa mayayamang negosyanteng kayang bayaran ang presyo niyang napakamahal that time.

“Walang kaalam-alam ang guy, kanta lang kasi siya nang kanta dito at sa ibang bansa. Hindi niya alam na kapag paalis na siya, e, naglulungkut-lungkutan lang naman ang girlfriend niya.

“Drama lang ‘yun dahil ang totoo, e, may chance na namang gumawa ng milagro ang girl, nagpapa-book na naman siya sa mga Boogie Wonderland (read: pimp, bugaw), kikita na naman siya!” umpisang kuwento ng aming source.

Pero may katapusan ang lahat, sa isang hindi sinasadyang pagkakataon, nahuli ng male personality ang girl sa mismong tinitirhan pa naman nitong condo unit.

Patuloy na chika ng aming impormante, “Ang saya-saya pa naman ng guy, sosorpresahin sana niya ang girl, hindi kasi natuloy ang show niya sa isang malayong probinsiya dahil nagkaroon ng aberya. Diretso siya sa condo unit ng girlfriend niya.

“Pero siya ang nasorpresa dahil pagdating niya sa unit, tarantang-taranta ang kasambahay ng girl, parang gusto siyang itaboy, parang gusto siyang paalisin! Shock na shock ang guy, may kasamang ibang lalaki ang girlfriend niya sa kuwarto.

“Yes! Isang may edad nang lalaki, matagal na palang ginagawang lugar para sa sideline niya ng girl ang mismong bedroom niya! Sukang-suka ang lalaki sa natuklasan niya, nagkandasuka siya sa sobrang galit, du’n na natapos ang relasyon nila ng babaeng marupok, mapusok, pokpok!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, nagno-nosebleed na ba kayo? Getlak n’yo na kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwento?

Read more...