HELLO Ateng Beth,
Pwede po bang magtanong? Ano ba ang gagawin ko sa boyfriend ko? Gusto kasi niyang mag-abroad at doon na magtrabaho.
Gusto niya sana na bago raw siya mag-abroad ay may mangyari na sa amin para daw makasigurado siya na hihintayin ko siya para pagbalik niya ay saka raw kami magpapakasal.
Sa isip ko parang masyadong selfish ‘yung sinabi niya. Pero love ko talaga ang BF ko.
Paano kung iwan niya ako at di na bumalik dahil hindi ko binigay ‘yung gusto niya?
Tulungan mo ako, ateng Beth. Ayaw ko naman may mangyari sa amin na hindi pa kami kasal. Salamat.
Emily, 25 years old,
San Jose del Monte, Bulacan
Dear Emily,
Pagsabihin mo ang magaling mong boyfriend, na obviously ay gusto ka lang niyang isahan.
Iwan niya kamo ‘yung pototoy niya sa ‘yo para makasigurado ka naman na hindi niya ‘yan gagamitin sa paga-abroad niya!
Makinig ka sa gut feel mo. Alam mo ang dapat at alam mo na selfish nga siya. So, kahit gaano mo siya kamahal, isipin mo rin naman ang sarili mo. At isa pa, kung talagang mahal ka niya, hindi niya ipipilit ang gusto niya at handa siyang magtiis sa abroad at handa siyang maghintay kahit sabihin pang wala siyang katiyakan na may babalikan pa siya rito sa Pilipinas pag uwi niya.
Paano kapag nakuha na niya ang kanyang gusto? Paano ka makasisiguro na ikaw lang at ikaw ang babalikan niya? Ang lagay siya lang ang kailangan makasiguro? Ikaw, ano ang panigurado mo?
Kung talagang mahal ka niya, igagalang ka niya. Kung hindi kayo ang magkatuluyan, may nawala ba sa kanya?
Pareho naman kayong mawawalan ng isa’t isa kapag di kayo nagkatuluyan, di ba? So, bakit kailangang isahan ka niya?
Kahit ikasal kayo, ano ang seguridad mo na babalikan ka niya? Mas mahirap pa nga na ikinasal lang kayo para makasigurado, tapos ano? After ilang months o taon, wala rin. Mas mahirap maghiwalay kesa magpakasal, neng!
aya hayaan mong ang panahon at distansya ang magpasya kung kayo nga. Naks, ang drama!
Kaya ikaw, sundin mo at gawin ang tama at dapat!