MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. May gusto lang po sana ako na itanong sa Philhealth. Dati po akong miyembro dahil dati po akong nagtatrabaho sa isang publication company at isang regular employee. May 8 years din po akong nagtrabaho doon.
Pero dahil nagbibinata na ang mga anak ko o magkokolehiyo, hindi na sapat ang kinikita ko para matustusan ang kanilang pag aaral. Kaya po naisip kung mag-loan at bumili ng sasakyan para ipang Grab. Noong una ay pinagsasabay ko po ang trabaho at pagiging Grab driver, pero masyado po akong nahihirapan at halos walang tulog. After two months ay nag-decide po ako na mag-resign na lamang sa aking trabaho at mas pinili kung maging Grab driver. Maayos naman po ang kita dahil bukod sa kita sa pamamasada at may incentive pa na natatangap. Pero sa ngayon ang problema ko po ay nawala na ang aking benepisyo, lalo na po sa Philhealth. Ano po ang dapat kung gawin?
Eliseo Serano
B-57 Kapitbahayan Navotas, Metro
Manila
REPLY:
Mahal na Ginoong Serano,
Pagbati mula sa PhilHealth!
Amin pong ipinababatid na upang maipagpatuloy po ang inyong PhilHealth coverage at upang maging isang PhilHealth active member na muli, kung kayo po ay dating employed member (Formal Economy) amin pong ipinapayo na magpa-update ng inyong PhilHealth member bilang PhilHealth individually paying member (Informal Sector) under Informal Economy at maghulog ng inyong applicable premium contributions ng boluntaryo.
Upang makapag-update kayo ng inyong record, maaari po ninyong sundan ang mga sumusunod na proseso kung saan kayo akma:
Bumisita lang po sa aming PhilHealth office o express outlets.
1. Maaaring gawin mismo ng miyembro ng personal
• Magpasa ng dalawang (2) kopya ng napunan at pirmadong PhilHealth Member Registration Form (PMRF)
a. Maaaring i-download ang PMRF sa aming website www.philhealth.gov.ph. Maaari din namang mag-request ng direkta mula sa aming PhilHealth offices / outlets.
b. I-tick ang FOR UPDATING na nasa upper right-hand corner ng PMRF.
c. Paki-fill out ang PMRF accordingly.
• Dalawang (2) valid IDs
2. Maaaring gawin sa pamamagitan ng kanyang authorized representative
• Kung sa pamamagitan ng representative, magpasa ng pirmadong authorization letter ng miyembro na nakasaad / nagpapahintulot na siya ang makipag-transasyon sa amin
• Dalawang (2) valid ID ng member at ng kanyang kinatawan ay kailangan
• Mga dokumentong nabanggit sa itaas
Ang pag-issue ng updated Member Data Record (MDR) kapag nai-proseso na ang updating, para sa period na simula January 01, 2018 hanggang September 30, 2018 ito ay maibibigay lamang sa mga active member na mayroong qualifying contributions na tatlong (3) buwan sa loob ng immediate six (6) months. Kung magrerequest naman simula October 01, 2018, kailangan po na mayroong siyam (9) na buwang qualifying contribuions sa loob ng 12 months.
Samantala, kung wala pong qualifying contributions, kapag nai-proseso na ang updating, ang maibibigay po ay PhilHealth cardboard type ID.
Ang applicable premium contribution para sa Individually Paying Program / Informal Economy Members
• Informal Economy Members na may buwanang kita ng P 25,000.00 pababa
P2,400.00 bawat taon
P1,200.00 semi-annual
P600.00 bawat quarter
*P200.00 kada buwan
• Informal Economy Members na may buwanang kita ng higit sa P 25,000.00
P3,600.00 bawat taon
P1,800.00 semi-annual
P900.00 bawat quarter
*P300.00 kada buwan
*Maaari pong mabayaran ang monthly na premium contributions sa mga PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO) lamang.
Ang iskedyul ng pagbabayad ng inyong premium contrinution ay ang mga sumusunod:
• Buwanan
Ang pagbabayad ay hanggang sa huling araw na may pasok (working day) ng babayarang buwan
Halimbawa: ang babayaran ay para sa buwan ng Enero, Deadline: Enero 31
• Quarterly
Ang pagbabayad ay hanggang sa huling araw na may pasok ng quarter na babayaran
Halimbawa: ang babayaran ay para sa buwan ng Enero, Pebrero at Marso, Deadline: Marso 31
• Semi-Annual
Ang pagbabayad ay hanggang sa huling araw na may pasok ng unang quarter ng semestreng babayaran
Halimbawa: ang babayaran ay para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo, Deadline: Marso 31
• Annual
Ang pagbabayad ay hanggang sa huling araw na may pasok ng unang quarter ng taon
Halimbawa: ang babayaran ay para sa buwan ng Enero hanggang Disyembre, Deadline: Marso 31
Maaari po kayong magbayad ng inyong premium contributions sa mga Accredited Collecting Agents (ACAs). Para sa kumpletong listahan ng ACAs, pakisundan ang link:
https://www.philhealth.gov.ph/partners/collecting/.
Para sa inyong reference upang maka-avail ng PhilHealth benefits kailangan po na:
1. Kung ang availment ay simula January 01, 2018 hanggang September 30, 2018, may kaukulang contributions na tatlong (3) buwan sa loob ng anim (6) na buwan bago ang unang araw ng confinement / availment.
Samantala, kung ang availment ay October 01, 2018 onwards, dapat na mayroong kabuuang hulog ng kanyang kontribusyon ng siyam na buwan sa loob ng 12 buwan bago sa araw ng availment o confinement. Ang 13 buwang period ay kasama na ang buwan ng confinement.
Ito po ay base sa aming PhilHealth Advisory number 2018-0011, “Application of PhilHealth Circular number 2017-0021 to all admission starting October 01, 2018.” Para sa inyong references maaari ninyong i-access directly ang link na nasa ibaba: https://www.philhealth.gov.ph/advisories/2018/adv2018-0011.pdf
2. PhilHealth-accredited ang ospital at duktor at ma-admit ng at least 24 hours.
3. Hindi pa nauubos ang 45-day benefit limit ng miyembro o ang 45-day benefit limit na paghahatian ng kwalipikadong dependent sa isang taon.
Samntala kung kayo po ay edad 60 na taong gulang pataas at bilang isang Senior Citizen, maaari po kayong magpa-update ng inyong PhilHealth membership kung saan wala na po kayong huhulugang contributions at maaari ng maka-avail ng PhilHealth benefits ngunit kailangan po na:
• Filipino citizen na naninirahan sa Pilipinas, edad 60 years old and above, walang anumang active PhilHealth membership, at walang anumang pinagkakakitaan o income
Kung qualified po kayo base sa namanggit na qualification upang makapag-update bilang PhilHealth Senior Citizen member, kailangan lamang ninyong i-proseso ang mga sumusunod:
Bumisita sa aming PhilHealth office / outlet
1. Sa pamamagitan ng miyembro
2. Sa pamamagitan ng inyong kinatawan
• Magpasa ng dalawang (2) kopya ng napunang PhilHealth Member Registration Form (PMRF) at kopya ng inyong Senior Citizen ID na na-issued ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) o ng inyong birth certificate na may registry number o ng inyong government issued ID na nagpapakita ng inyong complete name at date of birth
• Maglakip ng 1 x 1 photo na kuha sa loob ng anim na buwan
• Ang inyong dalawang valid ID
• Kung sa pamamagitan ng representative, magpasa ng pirmadong authorization letter ng miyembro na nakasaad / nagpapahintulot na siya ang makipag-transasyon sa amin
Hintayin ang ibibigay na updated Member Data Record (MDR) at inyong PhilHealth card.
Umaaasa po kami na ang mga impormasyong aming naibigay ay makatulong sa inyo.
Gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER 24-Hour
Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: actioncenter@philhealth.gov.ph
FB: https://www.facebook.com/PhilHealth
Twitter: @teamphilhealth
TLDC