Ulan hatid ng bagyong 'Domeng' | Bandera

Ulan hatid ng bagyong ‘Domeng’

Leifbilly Begas - June 05, 2018 - 08:40 PM

ISA nang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Tinawag na Domeng ang tropical depression na hindi inaasahang dadaan sa kalupaan.

Ayon sa Pagasa, magdadala ng ulan ang bagyo sa Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga at Davao regions.

Magbubuhos ng malakas na pag-ulan ang bagyo sa loob ng 300 kilometer diameter nito.

Sa weekend ay maghahatid ito ng ulan sa Luzon at Visayas area.

Ngayong araw ang bagyo ay nasa layong 675 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar. Ngayong umaga ay inaasahan ito sa layong 745 kilometro sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

Umuusad ang bagyo sa bilis na 14 kilometro pa kanluran-hilagang kanluran. May hangin ito na umaabot sa 45 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 60 kilometro bawat oras.

Samantala, isang LPA ang namataan ng Pagasa may 1,193 kilometro sa silangan ng Luzon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending