Jung Hae In itatambal kay Kim Go sa ‘Music Album’

JUNG HAE IN AT KIM GO EUN

MATAPOS ang kanyang blockbuster K-drama na Something In The Rain, inaalok naman si Jung Hae In na bumida naman sa pelikulang “Music Album.”

Kinumpirma ng agency ni Hae In na FNC Entertainment na may offer nga sa Korean actor na bagong pelikula.
“Although it is true that Jung Hae In has received an offer to appear in the film, a decision has not been made yet. He is currently positively reviewing the role,” pahayag ng FNC.

Inaalok naman sa female lead role si Go Eun na nakilala nang husto dito sa Pilipinas sa kanyang pagganap sa Goblin, na ipinalabas sa ABS-CBN ang Tagalized version.

Ang “Music Album” ay isang love story tungkol sa dalawang tao na nabuhay noong panahon ng IMF crisis taong 1997. Target namang masimulan ang shooting ng pelikula sa ikatlong bahagi ng 2018.

Bukod sa Something In The Rain sumikat naman nang husto si Hae In sa kanyang pagganap bilang second male lead role sa Korean drama na While You Were Sleeping.

Samantala, bumida rin sa K-drama na Cheese In The Trap si Go Eun kasama naman ang aktor na si Park Hae Jin.

Read more...