Walang trabaho kumonti pero underemployed dumami

BUMABA ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa subalit tumaas naman ang bilang ng underemployment.
Ayon sa Philippine Statistics Authority tumaas sa 94.5 porsyento ang employment rate noong Abril mas mataas sa 94.3 porsyento na naitala noong Abril 2017.
Bumaba naman ang unemployment rate sa 5.5 porsyento kumpara sa 5.7 porsyento noong nakaraang taon.
Ang underemployment naman ay tumaas sa 17.0 porsyento kumpara sa 16.1 porsyento noong Abril 2017. Ang underemployment ay nangangahulugan na isang tao na gustong magkaroon ng dagdag na oras sa pagtatrabaho o dagdag na trabaho o gusto ng bagong trabaho na mas mahaba ang oras ng pagtatrabaho.
Ang populasyon ng edad 15 pataas ay 71.014 milyon mas mataas sa 69.6 porsyento noong Abril 2017.
Ang mga rehiyon na may pinakamataas na unemployment rate ay ang Ilocos (7.3 porsyento), Calabarzon o Region 4-A (6.6 porsyento) at National Capital Region (6.4 porsyento).
Sa mga walang trabaho, 62.7 porsyento ang lalaki. Ang nakapagtapos sa kolehiyo ay 16.2 porsyento, 28.9 porsyento ang nakapagtapos ng junior high school.

Read more...