Hurados na-bash sa TNT finals; Vice malakas ang impluwensya

Sinasang-ayunan namin ang naging obserbasyon ng netizens tungkol sa ilang mga hurado sa Tawag Ng Tanghalan Ultimate Tapatan, na mukhang naging bias sa kanilang paboritong contestants.

Although, tapos na ang kontes at nadeklara na ang grand winner na si Janine Berdin at mga runners-up niyang sina Ato Arman at Steven Paysu, marami pa rin ang nagpo-post sa social media ng kanilang pagkadismaya sa TNT.

During the grand finals kasi, may ibang hurado na halatang nakikisama lang sa pagbibigay ng “standing ovation” sa lahat ng anim na grandfinalists (bago pinili ang top 3), dahil kapag turn na niya to give comment or commendation ay lumalabas ang pagiging bias nila.

Meron pa ngang tila nakikipagkumpetensya kay Vice Ganda sa pagbibigay ng great praises sa napupusuan nilang kalahok. Let’s mention the likes of Jed Madela, Yeng Constantino, K Brosas and Nyoy Volante na kunwaring nag-iingat sa paggamit ng mga bonggang description sa paborito nilang kalahok, and yet, lumalabas din ang kanilang favoritism.

Si Jaya naman ay halatang baon-baon pa rin ang “sama ng loob” sa previous bashing sa kanya kaya hayun, may mga pasimple pa rin siyang pagbanat.

We wonder kung bakit ‘yung mga hindi naman ganu’n ka-active na mga hurado lalo na during the Resbakan time ay halos binigyan ng “equal rights” to vote base lang sa isang performance na napapanood nila? Para kasi sa amin, tila hindi parehas ‘yun sa mga hurados na araw-araw ngang napakinggan at napanood ang mga kalahok.

Mas may “K” kasing mag-judge ‘yung babad talaga sa kontes at nakita ‘yung pag-grow o pagiging steady lang ng kalahok, kumpara sa bigla na lang nakasama sa Ultimate Tapatan ng anim na grand finalists.

q q q

Siyempre hindi natin dapat i-discount ang tinatawag na Vice Ganda factor.

Kilala nating very smart and witty host si Vice pero iba ang mga simpleng paraan niya ng pang-eengganyo ng “texters” para paboran ang gusto niyang i-angat na contenders. Kitang-kita ito lalo sa mga kalahok na napagtitripan niyang landiin at nabibigyan niya ng longer exposure at funnier interviews na siyempre tumatatak sa mga tao.

But of course, main host ng show si Vice. And as such, kering-keri niyang dalhin ang buong programa. Kahit na nga ang kalabang programa ay keri niyang “paglaruan” sa Showtime. Ha-hahahaha! Siya lang ang tila may ganu’ng “special power” among the hosts.

Kaya kung na-touch mo ang puso o natuwa sa iyo si Vice, medyo may edge ka na.

Read more...