PINAG-USAPAN na naman ang Bagani all because of Enrique Gil.
Sa isang episode kasi ay kinanta ni Lakas (Enrique) ang iconic 90’s hit na “Laklak” na song ng “Teeth.”
Sa episode kasi ay ipinakita si Lakas na may nakapulupot na buntot. Isang sirena ang nag-advice sa kanya na para hindi maging mahigpit ang pagkakapulupot sa kanya ay dapat hindi siya manlaban. Another sirena advised him na kumanta para makalas ang buntot na nakapulupot sa kanya.
Ayun nga ang ginawa ni Lakas, kumanta siya ng “Laklak.”
With that, nag-trending si Lakas at ang dami talaga ang napatawa sa kanyang pagkanta.
Talagang pinag-usapan ang eksenang iyon.
MOST READ
LATEST STORIES