HELLO po, nabasa po namin ‘yung column mo about sa ECP. Ask ko lang po kung pwede makuha in cash ‘yung certain amount na ginamit para maibayad dun sa ECP. Hindi naman po kasi ‘yun nagamit.
At kung hindi na, itatanong ko din kung covered pa ‘yung uncle ko if ever man may mangyari sa kanya? Retired na po siya ngayon pero dati siyang nagtrabaho sa DPWH. Thanks.
Dear Stefan,
Ang EC premium contributions ay binabayad ng mga employers para sa kanilang manggagawa para kung sila ay magkasakit o maaksidente ng dahil sa trabaho ang Employees’ Compensation Program ay nakalaan na magbigay ng kaukulang benepisyo at serbisyo.
Ang EC premium contributions ay pinupondo at ito ay tinatawag na State Insurance Fund (SIF). Ang SIF ay nakalaan sa occupationally disabled workers (ODWs) at sa kanilang benepisyaryo, kaya kung ang manggagawa ay hindi nagkasakit o naaksidente ng dahil sa trabaho ang EC premium contributions ng mga employers ay mapupunta sa SIF.
Ang mga manggagawa namang nag-compulsory retire sa serbisyo ay wala ding makukuhang benepisyo sa EC Program ngunit kung ang manggagawa ay nag-retire dahil sa disability na work-related pwede siyang mag file ng EC claim sa GSIS kung siya ay taga-publikong sektor o sa SSS kung siya ay taga-pribadong sektor ngunit dapat din isaalang-alang ang prescritive period sa pag-file ng claim.
Sana nabigyan namin ng linaw ang iyong problema.
Sa karagdagang kaalaman sa ECP tumawag po kayo sa 899-42-51 o 52 local 227 o 228 o bumisita sa ECC website sa www.ecc.gov.ph.
Cecil Estorque Maulion
Information and
Public Assistance
Chief
ECC
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jbilog@bandera.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!