Ellen ibinandera ang bonggang singsing na tadtad ng diamond, John Lloyd nag-propose na?

NAG-PROPOSE na ba si John Lloyd Cruz sa kanyang equally controversial dyowa na si Ellen Adarna?

Sa Instagram account ng sexy star kahapon, she posted a photo of her left hand na may suot na tatlong singsing. Yung isa ay simpleng ring lang habang ang dalawa ay tadtad ng diamonds.

Wala siyang caption na inilagay only a heart emoji.

Pero ang kapansin-pansin ay mas malaki ang diamante sa ring finger ni Ellen kung ikukumpara sa mga singsing na suot niya sa kanyang middle finger. Kaya ang assumption ng mga netizens ay engaged na ang controversial couple.

Some celebrities even posted their congratulatory message sa IG account ni Ellen including Isabelle Daza, Gretchen Barretto and Beauty Gonzales.

Pero ang nakakaloka, after an hour, ay binura rin ni Ellen ang kanyang post. Until now ay wala pang official statement sina Ellen at John Lloyd about their engagement and wedding plans.

Read more...