Tanong ni Vice Ganda kina Tito, Vic & Joey: Natatawa ba kayo sa akin o nabubwisit?!

SAFE ang naging tanong ni Boy Abunda kay Vice Ganda kaugnay ng inilabas na picture nina Tito, Vic & Joey sa segment na Muka Mo, Tanong Mo, na bahagi ng birthday presentation ng komedyante sa Sunday show nito.

Ang tungkol sa anong title ng movie ang puwede niyang sabihin kung magsasama sila sa isang pelikula ng TVJ. Unang tugon ni Vice, “Eat’s Showtime!”

“Puwede ring Si Tito, Vic and Joey at si Beki,” dugtong pa ng TV host-comedian.
Gusto rin daw niyang itanong sa TVJ ang, “Natatawa ba kayo sa akin o nabubwisit ba kayo sa akin?”

Malaki ang respeto ni Vice sa mga hosts ng Eat Bulaga kaya naman hindi personalan ang labanan nila sa telebisyon, maging sa pelikula sa parte ni Bossing Vic.

Read more...